Maraming sanhi ng Polusyon. Maraming dahilan kung bakit nasisira ang ating kapaligiran. Isa rito ay ang pagkasira ng ating lupa at mga yaman nito.
Anu-ano nga ba ang sanhi ng polusyon sa lupa? Ating alamin,
1. Deporestasyon (Deforestation)
Ang deporestasyon ay ang paglinis sa mga kagubatan sa pamamagitan ng pagtrotroso o pagsusunog ng mga puno.
May mga ilang dahilan kung bakit nangyayari ang deporestasyon: maaaring ibenta bilang isang kalakal ang mga puno o hinangong uling at ginagamit ng mga tao, habang ginagamit bilang isang pastulan, taniman ng mga kalakal, at tirahan ang mga kinalbong lupain. Maaaring magdulot sa kasiraan ng tahanan ng mga nilalang ang pagtanggal ng mga puno na walang sapat na muling pagtatanim.
Hindi mainam na pagputol ng mga puno sa ating kagubatan. Ito ay dahil nawawalan ng tirahan ang mga hayop at nasisira ang ating kapaligiran.
2. Ilegal na Pangangaso
Talamak ang pangangaso ngayon sa kagubatan ng iba't ibang bansa sa Asya. Kadalasan, mga elepante, leon, tigre at iba pang
endangered species na hayop ang kanilang ninanais na mahuli. Eto ay sa kadahilang malaki ang kita sa ganitong uri ng trabaho. Ilang libong piso din ang ibinabayad sa mga nahuhuling hayop na minsan ay ginagamit bilang alaga o di kaya'y pandagdag koleksyon ng mga ibang mayayamang tao. Dahil sa illegal na pangangaso, unti unting nauubos ang bilang ng mga hayop na inaalagaan at dapat na malayang nabubuhay sa mga kagubatan ng Asya.
3. Walang Disiplina sa Pagtatapon ng Basura
Bilang tao, responsabilidad nating alagaan at panatilihing malinis ang ating mga kapaligiran. Ngunit, marami sa atin ang walang disiplina at kung saan saan lamang nagtatapon ng mga basura. Dahil dito, bumabaha sa ilang mga lugar kahit wala naming bagyo. Ito ay dahil barado ang mga kanal na kung saan ito'y napuno ng mga basura ng mga tao. Dahil din sa basura ay nagkakaroon ng flash floods at iba pang sakuna na dulot ng kawalang disiplina.