Linggo, Agosto 3, 2014

MGA DAPAT GAWIN NG TAO UPANG MABAWASAN O MAIWASAN ANG POLUSYON SA ASYA

Polusyon sa LUPA:

1.)Matanim ng puno upang mapalitan ang mga pinutol na puno.



2.)Iwasan ang pagputol ng mga puno upang maiwasan ang pagbaha.


 
 
 
 

Polusyon sa TUBIG:


1.)Magtipid ng tubig .halimbawa:

a.)Gumamit ng baso sa pag totoothbrus upang makatipid sa paggamit ng tubig.


b.)Laging isara ang gripo pagkatapos gamitin upang makatipid sa malinis na tubig.

c.)Huwag gumamit ng dinamita ng dinamita sa pangingisda upang hindi mamatay ang mga isda at ibapang yamang tubig.Maaring gumamit ng net sa pangingisda.
d.)Huwag magtapon ng basura kung saan -saan tulad sa mga kanal upang hindi bumaha.Itapon ang mga basura sa tamang tapunan.
 
 
 
 
 
2.)Laging i-check ang makina ng sasakyan upang hindi ito bumuga ng maruming usok.

 
 
 
 
3.)Iwasan ang pagsisiga ng mga basura upang hindi magkaroorn ng global warming.
 
 
 
 

4.)Iwasan ang paninigarilyo.
Nakasisira ito hindi lamang sa ating kapaligiran kundi sa kalusugan ng taong gumagamit nito maging sa mga taong naakasinghot ng usok mula sa sigarilyo.

Sanhi ng Polusyon-sa HANGIN


Maging ang Hangin ay naapektohan ng Polusyon .Narito ang ibang halimbawa   ng mga sanhi nito:
 

1.)Mga maruming usok sa Pabrika at mga sasakyan.Dahil sa mga maruming usok maaring magkasakit ang mga tao  halimbawa na lang ng kanilang magiging  sakit ay Lung cancer.



2.)Pagsisiga ng mga Basura.Ang pagsisiga ng mga basura ay nagdudulot sa atin ng pagkasira ng ating ozone layer epekto nito ang pagkakaroon ng global warning sa Pilipinas.Kaya minsan tuwing summer ay mas lalong umiinit sa atin.







Martes, Hulyo 29, 2014

Sanhi ng Polusyon - sa TUBIG


Hindi lamang ang Lupa ang apektado ng Polusyon. Gayun din sa tubig o sa kailaliman ng Dagat.
Karamihan sa mga ito ay dulot ng maling kilos ng Tao na namumuhay sa ibabaw ng Mundo.

 
Narito ang ilang mga sanhi ng Polusyon sa Tubig:                                                        
 


1.)Paggamit ng Dinamita sa Pangingisda
     

Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay walang mabuting maidudulot sa ating mga karagatan.  Dahil sinisira nito ang tirahan ng mga isda at nagiging dahilan ito ng pagkaubos ng iba't-ibang uri ng isda. Pinapatay nito ang malilit at malalaking isda, pati na rin ang mga korales at iba pang Yamang Dagat, Nagiging sanhi din ito ng pagdumi ng tubig sa mga dagat at pagkapahamak ng mga mangingisdang gumagamit nito.


 


2. Muro-Ami

Ang muro-ami ay isang paraan ng pangingisda na ginagamitan ng mga lambat na may nakalagay na mga malalaking bato at kung saan binabayaran ang mga bata upang magtrabaho sa kanila.





           

Sanhi ng Polusyon - SA LUPA


Maraming sanhi ng Polusyon. Maraming dahilan kung bakit nasisira ang ating kapaligiran. Isa rito ay ang pagkasira ng ating lupa at mga yaman nito.

Anu-ano nga ba ang sanhi ng polusyon sa lupa? Ating alamin,


1. Deporestasyon (Deforestation)

Ang deporestasyon ay ang paglinis sa mga kagubatan sa pamamagitan ng pagtrotroso o pagsusunog ng mga puno.
May mga ilang dahilan kung bakit nangyayari ang deporestasyon: maaaring ibenta bilang isang kalakal ang mga puno o hinangong uling at ginagamit ng mga tao, habang ginagamit bilang isang pastulan, taniman ng mga kalakal, at tirahan ang mga kinalbong lupain. Maaaring magdulot sa kasiraan ng tahanan ng mga nilalang ang pagtanggal ng mga puno na walang sapat na muling pagtatanim.

Hindi mainam na pagputol ng mga puno sa ating kagubatan. Ito ay dahil nawawalan ng tirahan ang mga hayop at nasisira ang ating kapaligiran.



2. Ilegal na Pangangaso


Talamak ang pangangaso ngayon sa kagubatan ng iba't ibang bansa sa Asya. Kadalasan, mga elepante, leon, tigre at iba pang endangered species na hayop ang kanilang ninanais na mahuli. Eto ay sa kadahilang malaki ang kita sa ganitong uri ng trabaho. Ilang libong piso din ang ibinabayad sa mga nahuhuling hayop na minsan ay ginagamit bilang alaga o di kaya'y pandagdag koleksyon ng mga ibang mayayamang tao. Dahil sa illegal na pangangaso, unti unting nauubos ang bilang ng mga hayop na inaalagaan at dapat na malayang nabubuhay sa mga kagubatan ng Asya.



3. Walang Disiplina sa Pagtatapon ng Basura


Bilang tao, responsabilidad nating alagaan at panatilihing malinis ang ating mga kapaligiran. Ngunit, marami sa atin ang walang disiplina at kung saan saan lamang nagtatapon ng mga basura. Dahil dito, bumabaha sa ilang mga lugar kahit wala naming bagyo. Ito ay dahil barado ang mga kanal na kung saan ito'y napuno ng mga basura ng mga tao. Dahil din sa basura ay nagkakaroon ng flash floods at iba pang sakuna na dulot ng kawalang disiplina.





ANO NGA BA ANG POLUSYON?


Ano nga ba ang Polusyon? Pamilyar ang salitang ito sa lahat ngunit hindi natin alam kung ano nga ba ito.

 

 

 

 


Ang POLUSYON ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ng kaisipan.

Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon ng hangin at polusyon ng tubig.

Isang uri ng gawain o estado na pinadudumi at sinisira ang lupa, tubig, hangin, bayan, o/at atmosphere gamit ang mga harmful nakasisirang sangkap o gamit.



http://tl.wikipedia.org/wiki/Polusyon